Kaba

by Kendy Pajarillo Rafer on He Said, She Said |

Bumibilis ang tibok ng puso sa tuwing nakikita ka,
Nanginginig na katawan sa tuwing kaharap ka na,
Hindi malaman ang gagawin sa tuwing tititig ka.

Puso ko na kay sigla na ngayo’y may lungkot na,
Hindi malaman ang gagawin sapagkat sayo’y nahulog na,
Paano ko ba masasabi sa’yo na mahal kita?

“Mahal kita!” Mga katagang hindi ko maipaliwanag dahil sa sobrang kaba,
Ang puso ko’y nasasaktan dahil ikaw ay may mahal na iba,
Paano ko ba ibabaling pagtingin ko sa iba?

Pagtingin na kahit kailan hindi nag-iba,
Pagkat sa’yo pa rin naghihintay at hindi sa iba,
Bakit ba pakiramdam ko hindi na nag-bago pa?

Bakit ikaw pa rin aking sinta?
Bakit hindi ko makalimutan ang ngiti sa iyong mga mata?
Bakit sa’yo naramdaman ang kakaibang “KABA”?

Ano ba ang dapat kong gawin upang makalaya na?
Sa mundo mo na mapang akit ako’y tinangay na,
Pawiin mo naman ang sakit na aking nadarama o kahit man lang ang aking KABA.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

Comments Go Here ▼

Comments