Kabanata

by Iane Jimenez on He Said, She Said |

Unang araw ng taon
Nung iniwan mo ko non
Hindi makapaniwala,
Sa aking sarili ako’y wala

Sabi mo ay masaya ka na
Sabi mo ay itigil ko na
Bakit naghanap ka ng iba?
Pagibig koy ‘di bat sapat na?

45998
Bakit mas pinili mo siya?
Gayong sabi mo, ako lang at wala nang iba?

Ano bang meron siya na wala ako?
Noong dati sabi mo’y nasa akin na lahat ng hanap mo
Ganoon na lang ba ang ating pangako?
Dahil sa kanya lahat ito’y napako?

Gumawa ako ng paraan at ipinaglaban ka,
Pero wala kang pakielam, kaya puso’y napagod na.
Kung sa kanya ka na masaya,
Hahayaan na kita.
Kahit sobrang sakit ng aking nadarama.

Parang pinagsakluban ng langit at lupa
Pero ang sabi nga nila, may mas darating na tama.
Kaya ngayon tanggap ko na,
Na hanggang dito na lang ang ating kabanata.

Mahirap man isipin,
Pero mas masakit kung pilitin.
Mahal kita pero tama na,
Ayoko nang masaktan pa.
Sana mabasa mo ang tula kong ito,
At sana balang araw, wala na kong nararamdaman para sa ‘yo.

 


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

Comments Go Here ▼

Comments