Kaibigan

ni Ariane R. Millo |

Sa paaralan unang nagkita-kita
At aming isipay nangusap sa bawat isa
Lingon dito, lingon doon, usap dito, usap doon,
Ng masilayan, kaibigan hello, kamusta ka?

Sa una’y hiya ang nanalaytay
Ngunit aming pagkatao’y binaybay
Ng biglang usapa’y nauwi sa tawanan
At tuluyan na ngang nabuo aming samahan

Ang iba sa amiy taglay ay katahimikan
Ngunit karamihan sa ami’y taglay ay kaingayan
Hiyawan sa kalsadang saksi sa kalokohan
Ng aming grupong binuo na ng kasaysayan

Nangusap ang puso, lumaban ang isipan
Sa isang samaha’y, away ay di maiwasan,
Ngunit mga bes, pamilya’y di nag-iiwanan
Kaya naman, kapit bisig ang aming katwiran

Araw ng pagtatapos ay malapit ng masilayan
Lungkot, kirot sa aming puso’y nanalaytay
Sa isang katotohanang landas nami’y maghihiwalay
Ngunit nanatiling matibay aming pagkakaibigan.

Kami’y tuluyan ng lumisan
Sa paaralang bumuo sa aming samahan
Ngunit, paglisa’y di dahilan ng katwiran
Sa samahang patuloy na nagmamahalan.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

Comments Go Here ▼

Comments

SHARE
Previous articlePagsisisi
Next articleIsang Alaala