Kaibigan

by Lian Mascardo | shared on He Said, She Said |

Mga ngiting hindi mawala sa ‘king labi
Dahilan nito ang ‘yong mga sinasabi
Ligaya saki’y laging mananatili
Kilig na kailanma’y di mapapawi

Ngunit ito’y mga alaala na lamang
Aking oras at panahon ay nasayang
Umiiyak at ngayo’y nanghihinayang
Sapagkat ako’y hindi gano’n katapang

Tumigil sa pag ikot ang aking mundo
Ng aking malaman na ito ay biro
Ako ay hindi mo mahal ng totoo
Pasensya’t ako’y naniwala ng todo

Ako’y isang matalik na kaibigan
Bakit ba ikaw ay aking naibigan
Kung ako’y ‘yong paaasahin din naman
Sobrang sakit ang aking nararamdaman

Mayroon ka palang ibang minamahal
Ginising ng katotohanan sa sampal
At hindi mapagbibigyan ng maykapal
Na tayo’y magkatuluyan at tumagal

Pinili mo na sa akin ay lumayo
Ngunit patuloy akong umasa sa’yo
Pag-ibig ko’y totoo’t di magbabago
Pipiliin ka pa rin sa bilyong tao.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

Comments Go Here ▼

Comments