Kailan Kaya?

by Dhan Mark Rios a.k.a. Captain | shared on He Said, She Said

Noong gabing magkalayo tayo
Sumasabay ang ulan sa bawat patak ng luha ko
Pero hindi ko hinayaan makita mo
Dahil ayokong isipin mo na mahina ako.

Mahina dahil naduwag ako
Mahina ako dahil Hindi kinayang ipaglaban ung tayo
Hindi ko inamin na di ko kayang lumayo
Hindi ko sinabing ikamamatay ko
Kung di lang natakot
Sana’y Ikaw pa din at ako.

Ginusto kong mglakbay upang makalimot
Limutin lahat ng sakit at poot
Lahat ng pagdurusa’y ibaon sa limot.
Gusto kong tangayin ng hangin
Kasabay sa pagaspas ng mga lawin
Hanggang umabot sa langit aking hiling
Na sanay magbalik ka sa akin.

Umaasang mahahawakan pa
Kamay na kahit kailan ayaw ko na sanang bitawan pa
Pero kahit anung kapit ang gawin
kamay mo’y tinangay ng kawalan
Unti-unting papalayo sa akin.

Dati sabay tayong kumakanta
Ng kung anu anung awit kahit magmukhang tanga
Ilang oras,minuto o segundo pa ba ang dapat antayin
Upang panahon nating magkasma
Puwede pang ulit-ulitin.

Sana’y muling Mahagkan
Tulad nang dati sa ilalim ng buwan
At ng mga bituing nagkikislapan
Ngunit paano pa, paano pa
Dahil Ang tangi kong inaasam asam
Matagal ng akong iniwan
Lumayo patungo sa kung saan.

Aasa pa b akong marinig
Iyong tawagin mo akong sayo
Tawagin kitang akin
Dahil baguhin ko man ang ikot ng mundo
Hilain pabalik na parang tsubibo
Pigilan ko man pagagos ng luha ko
Wala na iyong dating tayo.

Kaya kailan natin mararating ang dulo
Kung hindi mo nakikita ang ikaw at ako
Kailan kaya ako magiging parte ng buhay mo
Kung ngayon pa lang sumusuko na tayo
Kailan kaya, kailan nga ba?


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

Comments Go Here ▼

Comments

SHARE
Previous articleBalang-Araw…Siguro
Next articleViola