Kakalimutan na Kitang Tandaan

by Ciara Boniel | shared on He Said, She Said |

akala ko ikaw na yung “the one”:
umasa ako,
sumugal ako,
na di mo ako iiwan.

tanda ko pa, tayong dalawa
na nagsumpaan
naging saksi, maging mga bituin
sa ilalim pa ng buwan
lahat sila, napagmasdan
ang lalim ng ating pagmamahalan

ngunit ngayon, ano na,
sino nga bang nang-iwan?
tuwing may magtatanong,
ang akin at iyong sagot,
ano pa nga ba,
edi “ewan”.

sino ngayon ang luhaan?
bakit ganito ang kinahantungan?

akala ko ba,
sabi mo di ba?
wala tayong iwanan?

sa ngayon ito lang
ang mga salitang aking bibitawan:
siguro nga,
noon pa man,
di mo na ‘ko ipinaglaban.

siguro nga,
di mo talaga ako
ganoon kinailangan.

pasensya na,
nasanay lang ako.

patawarin mo ‘ko,
naniwala ako.

pero hayaan mo,
dahil dito,
meron akong natutunan.

simula ngayon,
kakalimutan na kitang tandaan.

Comments Go Here ▼

Comments