Katulad mo

by Ella Mae Sindayen | shared on He Said, She Said |

Di ka pa man nagsasabi ng “mahal kita”,
Sambit ng kanyang bibig ay mahal din kita.
Minsa’y nabubulol ka pa nga hindi ba ?
Sino ba naman kasi ang hindi ?
Kung sa dinami dami ng taong mamahalin nya’y
Ikaw pa ?
Ikaw na mismong tingin sa sarili’y iba.
Na wari’y isang telang punit punit
ginamit gamit saka ginupit muli.

Bakit hindi?
Bakit hindi ka dapat mahalin?
Minahal mo naman ang mga tao hindi ba ?
Ay teka, minahal mo ang mga tao?
Mga tao? Tao nga ba sa paningin ng iba ?
Naitanong mo ba sa akin
kung tama ba yang pinagbubuhusan mo iha ?

Kung sa akala mo’y pinaghihigpitan ka nila,
Hindi siguro.
Mali lang ang pananaw mo sa mga payo nila,
Mas tama pa nga sa paningin mo ang yong sarili tama?
Tama. Kasi mas pinili mong isiping tama ka.

Nasanay tayong bulag sa katotohanan.
Teka, bulag? Bulag nga ba ?
O nagbubulagbulagan.
Ginagamit ang mga maling pananaw at dahilan,
Tintakpan ng kasinungalingan ang katotohanan,
makalusot lamang.

Tanong kong muli’y
Tama nga ba ang pinagbubuhusan mo iha ?
Nabanggit ko kanina na may kaaikibat na siyang mga salita
bago mo pa man bigkasin ang isang letra.
Sa tingin mo ba sapat na iyon?
Sapat na dahilan upang masabing mahal ka ng tao?
O baka naman mahal ka ng multo?

Papanong hindi multo, eh kung magkita man kayo’y
hindi ka man lang makausap? Tao ba iyon sa ‘yo?

Tanong ko. Bakit lumayo na tayo?
Lumayo sa dapat nating pinag uusapan.
Tama ba?
Tama bang iwasan ang mga bagay katulad nito?

Hindi man, pero tamang iwasan
ang mga bagay na nagpapakasakit satin.
Tamang iwasan ang mga bagay na mali.
Tamang iwasan ang mga bagay na katulad ng multo.
Katulad mo.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

Comments Go Here ▼

Comments

SHARE
Previous articleBakit nga ba?
Next articleTagpuan