kayo-naman

Kayo Naman

by Mean Barrion | shared on He Said, She Said |

Subukan niyong kilalanin ang isat isa.

Sa kung paanong paraan ako’y napa-ibig n’ya. Sana kayo na nga.

Di ko alam kung paano humantong sa ganito. Kung paano ang pagkakaibigan natin ay naglaho.

Siya ba ang dahilan o ako? Minsan naisip ko kung saan ako nagkamali. Puso ba o isip dapat ang pinili?

Sobrang nanghinayang ako sa ating pinagdaanan at sa kung paanong paraan tayo’y nagtatawanan habang nagbubulungan. Sa paraang ako’y iyong tinulungang mapagaan ang aking nararamdaman.

Oo, malaking mali yun. Dahil pinakilala ko pa siya sa ‘yo at dun lahat nag umpisang magbago. Alam mo kung gaano ko sya kamahal alam mo kung paano niya ako ginago pero sa huli ang lalaking yun pa din ang pinili mo. Minsan nga tinanong mo ako — kaibigan o ka-ibigan — pero mabilis akong sumagot at kaibigan ang pinili ko. Pero di ko alam na s’ya na pala ang gusto mo. At ni minsan hindi ko inisip na kayo pala sa bandang huli.

Apat na taon ang sinayang ko. Apat na taon sa kanya at ilang taon nga ba sa ‘yo? Basta ang alam ko napakatagal.

Gaya ng pagpapakatanga ko sa lalaking matagal kong minahal. Ganun katagal. Oo, kayo naman ang magpakasaya. Gaya ng sabi nila, tapos na nga ako di ba?

Ikaw naman. Ikaw naman ang magpakalunod sa mga bagay na napagdaanan ko na. Ang pagkakaiba nga lang ikaw ang mahal nya. Sa araw araw na paglapit mo sa kanya puso ko’y nadudurog. Sa bawat paalam n’ya sa ‘yo luha ko’y biglang tumutulo.

Sige kayo naman. Kayo naman ang magpakalunod sa kasiyahan. At sana sa aking paglayo sa inyong mundo, bigyang kalayaan nararamdaman n’yo.

Paalam isang salita na pinaka ayaw kong bitawan pero sa situwasyon ngayon, natitiyak kong ito’y ating kailangan.

Paalam dalawa kong kaibigan.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

Share This!

Comments Go Here ▼

Comments

by Mean Barrion | shared on He Said, She Said | Subukan niyong kilalanin ang isat isa. Sa kung paanong paraan ako’y napa-ibig n’ya. Sana kayo na nga. Di ko alam kung paano humantong sa ganito. Kung paano ang pagkakaibigan natin ay naglaho. Siya ba ang dahilan o ako? Minsan naisip ko kung saan ako nagkamali. Puso …

Review Overview

User Rating: 4.73 ( 2 votes)
0