Kung Akin Ka

Kung Akin Ka

ni Adrian Reiven Medilo

Kung akin ka, lahat ng gusto mo’y ibibigay ko,
Iibigin kita ng tapat at totoo,
Hinding-hindi ako titingin sa iba,
Pagkat lahat ng hanap ko’y nasa iyo na.

Kung akin ka, ika’y liligaya,
Kase sa pagkahulog ko sayo’y mahirap nang lumaya,
Kung ang iba’y bituwin ang kayang sungkitin,
Ako nama’y nangangakong ikaw lang ang iibigin.

Andami ko sanang gustong gawin,
Ngunit ikaw pala’y hindi akin,
Gusto sana kitang nakawin,
Pero naalala ko, kaibigan lang pala ako sa’yong paningin,

Hindi ko pinlanong mahalin ka,
Pagkat alam kong ika’y pag-aari niya na,
Pero kung sakaling gustuhin mong maging akin ka,
Kakalimutan ko sinta, na mas mahal mo siya.

Comments Go Here ▼

Comments