Kung Tayo, Tayo Talaga

Kung-Tayo

ni Fate Peralta

Mahal, naalala mo pa ba?
Nung araw na nakapag usap tayong dalawa
Mga panahon na kaibigan lang ang turing natin sa isa’t isa
Na hindi nag tagal, lumalalim na pala
Alam ko Mahal na malayo ka
Malayo ako, malayo tayo sa isa’t sa
Pero Mahal sabi mo ayos lang
Sabi mo wala namang problema
Kaya um-oo ako
Kaya pumayag ako
Kaya sumang ayon ako
Pero Mahal, bakit ka ganito?
Bakit ka nawala?
Bakit isang araw nawala kang parang bula?
At sa mga oras nawala ka
Alam ko sa sarili ko na tapos na
Alam ko na wala ka na
Pero Mahal, umaasa pa rin ako
Na kakausapin mo ulit ako gaya ng dati
At hindi nga ako nagkamali
Kinausap mo nga ako
Para tapusin ang relasyong wala namang tayo
Sabi mo hindi pa tayo matured para dito
Sabi mo studies muna ang unahin natin
Mahal alam ko yun
Pero gusto ko lang naman ng may companion
At gusto ko ikaw yun
Mahal alam ko bata pa tayo
Alam kong di pa tayo ready para dito
Kaya naman may napagkasunduan tayo
Kung ikaw talaga para sakin
At ako para sa ‘yo
Darating at darating ang panahon na yun
Pero alam nating dalawa na hindi pa ngayon.

Comments Go Here ▼

Comments