Laro?

by Cecilia Pelayo | shared on He Said, She Said |

Masakit isipin na ang lahat ay laro lamang.
Na ang mga pinagsamahan ay nasayang lang.
Akala ko ika’y tapat at ang mga ginawa natin ay dapat.
Kasinungalingan lang pala ang lahat.

Natalo ako sa larong di ko alam na kasali ako.
Napaglaruan ang puso ko,
Nang manlolokong katulad mo.
Ikaw ba’y napasaya ko?

Isang kang duwag, yan ang totoo.
Walang isang salitang pinanghahawakan,
Puso’t damdamin ng iba’y sinasaktan.
Maipanalo lang ang laro ng katarantaduhan.

Pagkapanalo mo’y di magtatagal
Dahil dadating din ang panahon
Na ako’y muling babangon.
Ipapakita sayo na matibay ako,
At hindi mo na muling matatalo.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

Comments Go Here ▼

Comments