Laya

by Lid Walid Ibrahim | shared on He Said, She Said |

Paalam na sa ‘yo,
Katagang iniwan mo,
Mahal kita
Mahal mo din ako.

Lilisan ka’t nagpaalam,
Sigaw ng iyong nararamdaman,
Mahal kita sana hindi mo ako makakalimutan,
At ako muli ang iyong puntahan.

Laya parang ibong lumilipad,
Sana sakin ka muli mapadpad,
Aking mithiin sana’y matupad.

Aasang babalik ka,
Aasang hindi ka magbago,
Aasang ikaw lang at ako,
Magkaisa’t magka-isang puso.

Baka hindi pa ito ang tamang oras,
Baka ngayong hapon gabi o di kaya bukas,
O baka dekada o dantaon ang makalipas.

Iniwan mo ang katagang
Mahal kita,
Itinago ko matupad sana,
Sinabi mo rin maghihintay ka.

Di ko pa kayang magmahal ng isang katulad mo,
Mapagmahal, hindi pabaya, at maasikaso,
Sapagkat baka mapaiyak kalang ng sobra,
At ako ang dahilan ng pag-agos sa iyong mata.

Babalikan din kita,
Kung kaya ko na,
Ang magmahal,
At mapangalagaan ka.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for postin

Comments Go Here ▼

Comments