Liham ng Umasa sa Taong Nagpaasa

ni AMCL

Dumating ka sa panahon na hindi inaasahan, biglaan, mula sa kawalan.

Dumating ka sa panahon tahimik ang aking mundo na umiikot lng sa iilang tao na nasa paligid ko at sa isang iglap nagbago ang lahat.

Sa mga panahon na kailangan ko ng kausap naroon ka.
Sa mga panahon na halos lamunin na ako ng problema nakahanda kang maging sandalan.
Sa panahon na malungkot ang aking araw darating ka at magpipinta ng ngiti kahit na ang katotohanan ay nariyan ka at narito ako.

Ngunit sadya nga bang mapagbiro ang tadhana?

Sa panahon na akala ko ay totoo na ang nararamdaman natin sa isa’t isa nagbago ang lahat ng malaman ko mula sa iba.

Hindi mo ako gusto.
Hindi mo ako magugustuhan.
Pinapaasa mo lang ako.

Mga salitang sa tingin ko ay inaasahan ko na noong una pa lang pero nagtiwala ako na iba ka.

Mga salitang nagpaguho ng aking malaking mundo.

Mga salitang bumasag sa aking puso ng ilang daang piraso.

Mga salitang hindi man galing sayo, ramdam ko na ito ang laman ng iyong puso

Mga salitang nagpatulo ng aking mga luha sa loob ng ilang gabi.

Ngayong mas pinili kong lumayo, hindi ko na inisip kung ano ang totoo ang mahalaga ay ang tumakbo palayo.

Palayo sa iyo
Palayo sa pagibig
Palayo sa pagkawasak

Gusto kong lumapit tanungin ang totoo pero ayokong marinig sayo mismo ang sagot na tuluyang sisira sa aking pagkatao.

Maari bang sagutin mo kung mababasa mo ito?

Bakit ako pa?

Saan ako nagkulang?

Ni minsan ba naging totoo ka?

Anong nagawa ko at pinaasa mo ako?

Hindi mo man ako sagutin sa mga tanong na ito isa lng ang hihilingin ko.

Nawa sa panahon na tama na ang lahat maging paasa ka man sa paningin nila alam kong makikita mo rin ang babago ng iyong buhay at puso. Hindi man ako ito ang nais ko lamang ay makita kang maayos at masaya.

Wag kang magalala bigyan mo lamang ako ng ilang panahon gagaling din ang mga latay na iniwan mo. Ngingiti pa din ako at sasalubungin ka ng masaya. Umasa ako kahit paasa ka dahil naniniwala ako sa iyo bilang kaibigan at kapatid.

Got a letter you want to share?
Send to He Said She Said Philippines

Comments Go Here ▼

Comments