Lihim Na Pagsinta

by Nadja Beda | shared on He Said, She Said

Narinig ko ang iyong musika
Dito ko napagtanto ang aking nadarama
Sa bawat araw na lumilipas
Ay lagi akong umaasa
Na sana panaginip lang pala

Ngunit nang dumating ang araw na iyon
Nalaman mo ang aking tunay na pagsinta
Sana noon ko pa sinabi sa iyo
Ang lahat ng ito

Ngayon ay ikaw ay lumayo
Labis na nadurog ang aking puso
Sa tuwing ako ay iyong nasisilayan
Ikaw ay dahan-dahang pumapalayo
Oh ang hapdi nitong aking puso

Bago magtapos ang aking talumpati
Hiling ko sana ay ikaw ay maligaya
Sa bawat pagpatak ng aking mga luha
Ay ‘sing laki naman ng ngiti sa iyong mga mata
Salamat sa maikling araw na ika’y nakasama

At tayo’y bumalik muli sa umpisa.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

Comments Go Here ▼

Comments