M.U. Daw

by Crystal Cagape on He Said, She Said |

Araw araw kong tinatanong sa aking pagkatao
Ano nga bang meron tayo?
May patutungahan pa nga ba ‘to
O mananatili lang tayo na parang bato

Bawat masaya na sa atin ay nangyayari
Naroon ang aking lungkot na di parin mapawi
Mga matatalinhagang salita na iyong sinabi
Paniwalaan mo, hinding hindi ko ‘yon isinasantabi

Huwag nalang sana natin pangalanan
Sa relasyong alam mo at alam ko, na hindi naman kailangan
Kahit ganoon nalang ang mga kaganapan
Malungkot na pananabik ang laging tinatakpan

Oo, sadyang masaya nga siya talaga
pero ang tanong ” Ito’y totohanan nga ba? ”
Yung tipong ikaw at ako ay walang pangangamba
Walang iisipin at walang pake sa iba

Sabihin mo na kung aasa pa ba
Sa pag ibig na alam natin ay hindi tama
Pagmamahal sa isa ay unti unting nawawala na
Tatanggapin ang lahat sa oras na ikaw ay bumitaw na

Ano nga bang meron sa atin
Totoo nga ba at tapat ang pag irog natin
Oo, sige, marapat na kitang tapatin
ako’y lalayo na sa bigat ng aking pasanin

Ibibigay sa iyo ang lahat ng sakto
Tatanggapin ka kahit ang puso mo ay bato
Pagpapakatanga man ang tawag sa ganito
Wala ng hihigit sa ginagawa kong ‘to.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

Comments Go Here ▼

Comments