tayo bumalik

Maaari bang bumalik muli tayo sa simula?

by Paula Gelay | shared on He Said, She Said |

Maaari bang bumalik muli tayo sa simula?
Oo, ‘yung mula sa simula.
‘Yung hindi pa tayo magkakilala.
‘Yung hindi pa natin nakikita ang isa’t-isa.
‘Yung…wala pang bahid ang ating pagsasama.
‘Yung wala pa tayong ideya sa isa’t-isa.

Maaari bang bumalik muli tayo sa simula?
‘Yung mga panahong kahit walang ‘ikaw at ako’ masaya naman tayo.
‘Yung mga panahong wala pang nabubuong salitang ‘tayo’ pero kuntento naman tayo.
Pero mali.
Hindi.
Maaari bang bumalik muli tayo sa simula?
Nang sa ganon ay maitama ang lahat ng pagkakamaling nag-iwan ng marka.
Baka sakaling…
Baka.
Maisalba pa natin ang isa’t-isa.

Maaari bang bumalik muli tayo sa simula?
‘Yung hindi pa nagkakatagpo ang ating mga kamay.
Mga ‘kamusta’ at ‘paalam’ pa lang ang dahilan ng pagwagayway.
‘Yung simula.
Oo, ‘yung simulang…
Wala pang sakitan ang lumalaganap.

Maaari bang bumalik muli tayo sa simula?
Baka sakaling mapigilan natin ang pagkalunod.
At matulungan natin ang isa’t-isang makaahon.
Hindi lilingunin ang kahapon,
At sabay haharapin ang bawat pagkakataon.

Maaari bang bumalik muli tayo sa simula?
Hindi maaari.
Dahil tayo ay nasa dulo na.
Sensyales na tama na.
‘Wag nang pilitin pa ang pagmamahalang ‘di naman kayang isalba.
Tama na.
Nagwakas na tayong dalawa.
Masaya ka na sa piling ng iba.
Habang ito ako – nagdurusa.

Maaari bang bumalik muli tayo sa simula?
Hindi maaari.
Dahil kapag nagkataon ay mauulit lamang ang lahat ng nangyari.

Maaari bang bumalik muli tayo sa simula?
Kalimutan ang lahat at gumalaw na parang wala lang.
Wala lang.
Oo, wala lang.
‘Yung simulang wala lang.
Hindi pa nagkakasalubong ang ating mga landas.
Hindi pa nagkakabuhol ang mga sintas.
Wala pang luha ang patuloy na umaagas.
Walang kamustahan.
Walang pansinan.
Walang kulitan.
Walang harutan.
Lahat. Wala.
Wala…
‘Yung simulang…wala tayong ideya na nage-exist pala ang bawat isa.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

Share This!

Comments Go Here ▼

Comments

by Paula Gelay | shared on He Said, She Said | Maaari bang bumalik muli tayo sa simula? Oo, ‘yung mula sa simula. ‘Yung hindi pa tayo magkakilala. ‘Yung hindi pa natin nakikita ang isa’t-isa. ‘Yung…wala pang bahid ang ating pagsasama. ‘Yung wala pa tayong ideya sa isa’t-isa. Maaari bang bumalik muli tayo sa simula? ‘Yung …

Review Overview

User Rating: 2.85 ( 2 votes)
0