Magandang Binibini

by Rommel Quinsay | shared on He Said, She Said |

Ako’y may nakilala magandang binibini
Sa ganda’t talino nya’y ako’y nabighani
Hindi nakapagsalita’t ako’y napipi
Ang puso ko’y kabang-kaba at naduhagi

Mukha nya’y parang anghel sa kalangitan
Boses nya’y kaysarap pakinggan
Mga mata nya’y kumukuti-kutitap at nagkikislapan
Mga ngiti nya’y pumukaw sa aking isipan

Siya ay mabait at madaling pakibagayan
Masarap syang kausap na animo’y parang nakikipagtalakayan
Mahinhin siyang gumalaw na parang sinaunang kababaihan
Maayos manamit na naaayon sa pupuntahan

Ako’y nagkalakas-loob na nanligaw sa kanya
Hatid-sundo sa bahay nila
Nagbigay ng mga bulaklak at tsokolate na paborito niya
O,magandang binibini ako’y sagutin mo na

Lumipas ang mga araw at buwan
Ako’y nanunuyo pa rin sa kanilang tahanan
Mga magulang niya’y nakilala ko rin nang lubusan
At ang aming mga loob ay nagkapalagayan.

Ako’y nagtatalon at tuwang tuwa ng ako’y sasagutin na nya
Hindi ko maipaliwanag ang galak sa aking mukha
Tama nga ang kasabihang kapag may tiyaga ay may nilaga
At matamis na oo nya ay aking nakuha

Bigla nyang kinuha ang aking mga kamay at naglapit ang aming mga mukha
Dahan-dahan nang naglalapit ang aming mga labi at kami’y parehong nakapikit pa
Nang biglang anu ano’y may yumuyugyog sa aking balikat,ang nanay ko pala na dakila
Ako’y nananaginip lang pala sa aking kinahihigaan,napakagandang panaginip,MAGANDANG BINIBINI.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

Comments Go Here ▼

Comments