Maghihintay Ako

by Jezreel Faith Valdez | via He Said She Said |

Tulad ng ulap sa kalangitan, kay gandang pagmasdan ng ikaw at ako ay walang hangganan
Mga sangang sumasayaw, sa ihip ng hangin sumabay kahit gaano mang katagal, ako sa iyo’y maghihintay
Mga sangang sobrang tibay ng pagkakakapit sa isang punong halaman tulad ng pagkakakapit ko sayo na nawalan na ng saysay dahil ikaw ay sadyang patuloy na bumitaw.

Magsimula tayo sa una, sa una kung saan tayo’y masaya pa
Sa una kung saan sobrang mahal pa natin ang isa’t isa
Sa una kung saan lahat ng ito ay hindi pa nananatiling alaala
Isang alaalang nagiging dahilan kung bakit puso’y ayaw ka pang bitawan
isang alaalang tumatatak sa aking isipan na ayaw kong kalimutan
isang alaalang nagpapaalala sa ating nakaraan na patuloy ko pa ring binabalik-balikan

Pagmamahal ko sayo’y parang ilog na umaagos, patuloy sa pag-agos at hindi matapos tapos
Sobra mang nasira at nasaktan sa mga dumaang unos, pagmamahal sayo’y nananatili pa rin at hindi natatapos.

Pinakamahirap at pinakamasakit na naging desisyon ko sa buhay ay ang palayain ka
Palayain ka tulad ng mga ibong dumadapo sa sanga
Palayain ka sa mga alaala ng nakaraan na alam kong hinding hindi na maibabalik pa
Palayain ka sa mga panaginip ko kung saan tayo’y masaya pa
Pinalaya na kita
Pinalaya na kita tulad ng malayang pagpatak ng aking mga luha na nagbabakasakaling sana maibabalik pa, maibalik ang mga nasayang na oras nating dalawa, na mamamahalin mo muli ako katulad nung una
Pinalaya na kita hindi dahil maghahanap ako ng iba, pinalaya na kita dahil alam kong doon ka sasaya
Pinalaya na kita ngunit mahal na mahal pa rin kita.

Maghihintay na lamang ako
Maghihintay ako hanggang maging ayos lahat ng ito
Maghihintay ako para hindi masayang ang ating mga pangarap at pangako
Kahit gaano mang kilometro ang layo,
kahit kailangan pang sumakay ng barko o eroplano,
maghihintay pa rin ako para tuparin lahat ng naudlot nating pangako.
Isa, dalawa, tatlo, kahit mas mahirap ka pang intindihin kaysa sa mga numero,
pagtitiisan ko para lang sa taong pinapangarap ko
Sa iyong muling pagbabalik, maghihintay ako.
Maghihintay ako hanggang sa maging tayo ang salitang ikaw at ako.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

Comments Go Here ▼

Comments