Mahal kita, kahit nasasaktan na

by JM Castillejo Mariano | shared on He Said, She Said |

Linawin mo please, sawa na akong masaktan pa
Bakit ganun? Pati mga kaibigan ko napapansin na?
Nag iisip lang ba ako ng iba? O sadyang tama na aking hinala?
Hanggang text ka lang ba? P’wede bang pati personal pa?
Mahal, ako’y nasasaktan na
Ano aking gagawin? Sige oobserbahan muna kita
Pero pag itoy nag pa tuloy pa, ating relasyon aking wawakasan na
Masakit man sa akin ika’y palayain na,
aking gagawin para sa ikakabuti nating dalawa
Mahal na mahal kita
Yung tipong kahit wala kang oras iniintindi ka
Oo naiintindihan ko kaibigan mo ang laging inuuna
P’wede bang minsan ako na?
Ako na yung uunahin mo kesa sa kanila?
Minsan din kasi kailangan din kita
Yun bang isang oras sa isang linggo ayos na
Ikaw, siguro ikaw wala lang siguro talaga
Mahal na mahal kita,
kahit yung palayain ka gagawin ko, para sa iyong ikakaligaya.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

Comments Go Here ▼

Comments