Mahal na Kaibigan

by Alhea Shaira Tigas | shared on He Said, She Said |

Alam Kong Hindi madali
Naiwan ang mga nakasanayang bagay
Mga bagay na tayo lamang ang nakakaalam

Sa bawat paghakbang ng ating mga paa
Kasabay nating tinatahak ang landas kung
Saan binuo ang isang magandang pagsasama.

Pagsasamang panandalian lamang pala .
Mahal na kaibigan,
Nang sabihin mong lilisanin mo na ang lugar kung
Saan tayo unang nabuo bilang magkasangga

Nawala ang ngiti sa aking mga labi .
Naiwan ang mga katagang paano ang tayo? Paano ang yong mga pangako

Lahat nang yong pinangako ay
Bigla na lamang maglalaho

Mahal na kaibigan paano ako muling
Magsisimulang humakbang, kung wala na akong ka sabay?

Mahal na kaibigan, Saan ako magsisimulang muli sa Una o sa huli?
Sa liwanag o sa dilim? , Sa araw o sa gabi?
Mabuting tanggapin na lamang ang katotohanan na
Ang ating pagsasama’y panandalian lamang.

Mahal na kaibigan,lisanin mo man ang ating lugar
Pananatilihin Kong makabuluhan ang ating mga pinangsamahan

Mahal na kaibigan, Sa iyong panibagong landas natatahakin,
wala man ako sayong piling.
Alam Ko na ikay magiging matatag

Muli kaibigan, pananatilihin ko paring makabuluhan ang ating samahan.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

Comments Go Here ▼

Comments