couple-love-people-romantic

Mahal Na Mahal Kita. Paalam Na.

by Miss CROM 002-016-013 | shared on He Said, She Said |

Minsan, hindi sapat ‘yong mahal mo ako at mahal din kita. Nakakalungkot mang isipin, pero may mga pagkakataong may mga gusto tayo na di pwede, na ipilit man pero lalo lang mahihirapan, na ipaglaban man pero masasayang lang. Pero ang mahalaga, sinubukan, ginawan ng paraan. Dahil mas mahirap daw ang magsisi, kaysa sa masaktan.

Simula ng taon nang tinapos mo ang lahat.
Nang ibinigay mo sa’kin ang dahilan para umusad.
Umiiyak na ako at bumalik ka para makipag-usap.
At nang oras na ‘yon, sasabihin ko sayo ang lahat.

“Gusto kong maging bahagi ng buhay mo.
At masaya akong kasama ka.
Sabihin mo lang sa’kin na kaya mo.
Na susubukan mo at tutulungan naman kita.
Gusto kitang bigyan ng isa pang pagkakataon.
Bigyan pa ng puwang ang salitang ‘Tayong Dalawa’.”

Lahat ‘yon ay gusto kong malaman mo.
Pero ang tanging lumabas sa bibig ko…
“Mahal na mahal kita”.

Pinapatahan mo ako.
Niyakap mo ako habang sinasabing…
“Pasensya, di ko kaya.”
Ang huling apat na salitang binitawan ko.
Noon di’y natantong wala nang magagawa pa.

Niyakap na lang din kita.
Sobrang higpit dahil alam kong ‘yon ay huli na.
Habang sinasabi mong…
“Sorry. Di na talaga tayo pwede.
Di ko kaya ‘yong gusto mo.
Tama na tayo. Tigil na.”

Mas hinigpitan ko ang yakap sa’yo.
Alam kong nalalapit na sa pagkakataong ikinatatakot ko.
Tapos, hinagkan mo noo at pisngi ko.
“Tahan ka na. Mahal na mahal din kita.
Pero di na pwede. Paalam na.”

Kumawala ka sa yakap ko, sinta.
At iniwan mo akong mag-isa.
Pag-iyak lang ang tangi kong nagawa.
Habang tinatanggap na sumuko ka na.

Di naman ako perpekto.
Kaya di ko hihilingin ‘yon sa’yo.
Akala ko lang, susubukan mong magbago.
Para mapabuti at ituloy natin ‘yong “TAYO”.

Pero tapos na akong umasa.
Dapat kong marinig ay nasabi mo na.
Pasasalamat lang ang nais ipabatid.
Dahil kahit may sugat at hapdi,
Puso ko’y iyo nang ibinalik.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

Share This!

Comments Go Here ▼

Comments

by Miss CROM 002-016-013 | shared on He Said, She Said | Minsan, hindi sapat ‘yong mahal mo ako at mahal din kita. Nakakalungkot mang isipin, pero may mga pagkakataong may mga gusto tayo na di pwede, na ipilit man pero lalo lang mahihirapan, na ipaglaban man pero masasayang lang. Pero ang mahalaga, sinubukan, ginawan ng paraan. …

Review Overview

User Rating: 4.65 ( 1 votes)
0