Mahal na Mahal Kita

by Alecks Dela Paz Cortez | shared on He Said, She Said |

Dahil sa ‘yo, heto at sumusulat akong muli
Bawat letra at linya, pagibig ko sayo ang namumutawi.
Mahal kita, Mahal na mahal kita
Kahit bawal, kahit sabihin nilang mali, mahal na mahal kita.

Sumugal muli ang puso ko, sa pangako ng pag-ibig mo
Ligaya sa akin ang hatid ng bawat oras sa piling mo.
Kahit walang kasiguraduhan, kahit may masasaktan
Sa bawat tibok at pintig nito, paulit ulit sinasambit ang yong pangalan.

Ikaw lamang ang nais at laman ng isip sa bawat sandali
Ang iyong ngiti at mga labi, pansamantalang naging aking pagaari.
Binigyan mo ng kahulugan, ng bagong kulay at saya
Bagong mundo, ikaw at ako, tayong dalwa.

Dahil sayo, heto at sumusulat akong muli.
Bawat letra at linya, pagibig ko sayo ang namumutawi.
Mahal kita, Mahal na mahal kita
Kahit makailang ulit, walang pagaalinlangan, mahal na mahal kita.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

 

Comments Go Here ▼

Comments