Mahal pa rin kita

by Mary Unice Arca | shared on He Said, She Said |

Di mo na kailangang sabihin pa
Dahil alam ko na, matagal na
Na hindi ka na masaya
Kaya kahit sobrang sakit na
Wag kang mag alala
Kasi marunong akong dumistansya

Di mo na kailangang sabihin pa
Na pagtingin mo saki’y wala na
Masakit pero tanggap ko na
At handa narin akong kalimutan ka
Masasanay rin akong wala ka
Sana lang masaya ka

Di mo na kelangang sabihin pa
Kasi kahit ako’y durog na durog na
Sa tagal nang panahong ako’y naging tanga
Kahit pa nagbago ka na at may mahal ka ng iba
At kahit magmukha na naman akong tanga
Aaminin kong mahal pa rin kita


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

Comments Go Here ▼

Comments