could-this-be-love

Mahal pa rin pala kita

by Nicole de Leon | shared on He Said, She Said |

Sa pagdaan ng araw, akala ko ayos na ‘ko.
Akala ko kaya ko na mag-isa
Akala ko hindi na kita iiyakan.
Akala ko hindi na masakit.
Akala ko, akala ko lang pala.

Puwede ba humiling ngayong pasko?
Isa pang pagkakataon kasama ka
Isa pang pagkakataon para ilaban ka
Isa pang pagkakataon para mahalin ka.
Puwede bang isa pa?

May gusto akong sabihin sa ‘yo, Mahal.
Mahal pa rin kita sa kabila ng masalimuot na paghihiwalay
Mahal pa rin kita sa kabila ng pagtaboy mo sa ‘kin
Mahal pa rin kita kahit na tutulan pa ng mundo
Mahal pa rin pala kita, mahal.

Hindi ko alam kung maibibigay mo ang hiling ko
Ngunit mahal, maghihintay ako
Maghihintay akong balikan mo ako
Hihintayin kong maisip mong di talaga s’ya
Hihintayin kong maalala mong ako ang iyong, Mahal.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

Share This!

Comments Go Here ▼

Comments

by Nicole de Leon | shared on He Said, She Said | Sa pagdaan ng araw, akala ko ayos na ‘ko. Akala ko kaya ko na mag-isa Akala ko hindi na kita iiyakan. Akala ko hindi na masakit. Akala ko, akala ko lang pala. Puwede ba humiling ngayong pasko? Isa pang pagkakataon kasama ka Isa pang …

Review Overview

User Rating: 4.7 ( 1 votes)
0