Mahal, Saan Ba Ako Nagkamali?

By Shine Lum | shared on He Said, She Said |

Hindi ko na alam kung ano pa ang mawawasak sa akin.
Walang wala na ako, puso ko’y durog na durog na.
Pinipilit man bumangon, pero may araw na nanghihina parin.
Dinurog ako hindi lang dahil sa maling pagkakataon,
kundi pati na rin sa mapagbiro na tadhana.
Winasak ako sa ‘yong masaklap na pamamaalam.
Pamamaalam na kahit ilang buwan na ang lumipas,
Naghahagulgol pa rin sa pagiiyak sa tuwing naalala ka.
Gabi-gabi dinadayo ng multo ng kahapon,
tila ayaw na akong patulogin at ayaw ng patahimikin.
Daig pa nga ang namatayan sa sobrang sakit.

Mahal? Bakit?
Saan ba ako nagkamali?
Saan ba ako nagkulang?
Lahat ng paguunawa,
Lahat ng meron ako, at
Lahat ng kung anong makakaya ko….
Binigay ko sayo.
Lahat ng pagmamahal binuhos ko na sayo.
Hindi pa ba sapat yun?
Na nagawa mong lumingon ulit sa nakaraan?
Ano ba ang nasa kanya na wala sa akin?
Siya? na iniwan ka at pinagpalit sa iba.
Ako? na tinanggap ka ng buong buo, kahit puso mo’y sugatan pa.

Mali lang siguro ang panahon ng ating pagtatagpo.
Pinagtagpo tayo sa panahon, na ika’y naghihilom pa ng sugat na dulot niya.
Nagbabakasakali siguro ang tadhana, na baka pagmamahal ko ang gamot.
Ngunit hindi pala…
Lumusong ako agad sa ilog, malalim pala.

Pero mahal, bakit?
Sino ba ang may kasalanan?
Ako na nagpakatangga talaga?
O ikaw na nagpakahina?
Nang bumalik ang ‘yong nakaraan pinatalo mo na lahat.
Lahat ng sinumulan natin nasayang.
Lahat ng pangarap at mga plano sa hinaharap naglaho na parang bula.
Kahit pinagsamahan bilang kaibigan nasira narin.
Lahat ng meron sa akin natupok ng kirot.
Wala na…
Wala ng natirang tiwala sa sarili,
Wala ng gana magmahal muli,
Wala na…
Wasak na itong puso ko.
Paano ko ipabubuksan sa iba kung durog na ito.

Mahal, saan ba ako nagkamali?

*spoken word

(Sana balang araw makawala na ako sa anino ng nakaraan, para matapos na rin lahat ng pagtatanong.)


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

Comments Go Here ▼

Comments