Mahalin Mo Naman Ako

by Quenie D. | shared on He Said, She Said

Mahalin mo naman ako,
Paulit ulit ko nang sinasabi sa ‘yo,
Mahalin mo naman ako.
Di ko dapat sabihin sayo pero sana
pahalagahan mo naman ako.

Napapagod na ako, umasa sa parang tayo.
Napapagod na din akong paniwalain
ang sarili kong di mo kayang mawala ako.
Napapagod na akong ipilit ang sarili ko jan sa puso mo.

Ano bang nagawa ko, bakit ginaganito mo ako,
ito ba ang dapat sa mga taong walang ginawa
kundi mahalin ang tulad mo?

Gusto mo ba akong mawala?
Tumigil at lumayo?
Umiwas at tumakbo?
Limutin ka at lumayo?


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

Comments Go Here ▼

Comments