MakaTA NGA

by Jhoan Calderon | shared on He Said, She Said |

Alam mo na pala.
Sabagay, sino nga bang hindi makapapansin sa damdaming ito
Na kahit anong pilit kong kalimutan, burahin at alisin ay pilit pa ring kumakawala.
Sa damdaming ito na nagdudulot ng sakit at saya sa puso kong traydor,
Na kahit ang isip ko dito’y hindi pabor…
Ay pilit pa ring tumitibok nang mabilis,
At ipinapaalala na ang nararamdaman ko sa’yo’y hindi mapalis,
Oo, mahal kita.
Mahal na nga kita.
Mahal na mahal nga kita…
Na kahit alam kong walang pag-asa
Ay patuloy pa rin kahit mukha na ‘kong tanga,
Kahit sobrang sakit na…
Sa sobrang sakit ay parang sinasaksak ang puso ko ng libo-libong espada
At samahan mo pa ng suntok, pagpiga,
at pati na rin ng pagsipa
Ngunit wala akong magawa
Sabi nga nila’y walang sinumang kayang dumikta
Sa pusong nagmamahal at sumisinta
Na kahit para na akong sirang plaka
Sa paulit-ulit na pagsabi sa sarili ko’ng “Tama na. Sobrang Sakit na”
Ay patuloy pa din itong minamahal ka.
At ngayon, sa pagbuo ko nitong tula
At sa bawat pagtipa
Ng mga salitang matagal na’ng sa aki’y gumagambala
Sa bawat pagpatak nitong mala-kristal na likido mula sa aking mga mata,
Ay aking napagtanto at napatunayan na…
Ako’y makaTA NGA.

Feel free to send in your poems (English or Tagalog) via message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one. He Said, She Said Philippines reserves the right approve or reject submissions for posting.

Comments Go Here ▼

Comments