Malapit Na

by AMPman | shared on He Said, She Said

Lugar na kung saan tayo’y nagkakausap at nagkakasama
Malapit na mahal ko
Mga kalokohang na di matatangi sa bawat isa
Sa loob ng halos isang taon bumuo ng alaala
Ang mga tawa at ngiti mo na pumupukaw sa kalungkutan ko
Lalo na kung dahilan ay ako
Ang malambot mong labi
Yakap na pwede kong ikasawi
Di maipaliwanag na pakiramdam
Sa tuwing kasama, kausap at magkahawak ang ating kamay
Andaming alaala ang maibabaon sa salitang Tayo,
Tayo na nangyari sa di inaasahan
At Halos lahat ay ating napagdaanan na dapat pahalagahan
Ngunit wawakasan lang ng simpleng salitang malapit na
Lahat nabuo sa simpleng wala,
Wala na nagkaroon ng mayroon.
Wala na sa lahat ng pagkakataon na tayo’y magkasama
Sa lungkot at ligaya
Sa hirap at saya
Maging sa huling pagsabi ng Paalam na
Nakakaiyak,mamimiss ko lahat.
Lahat, tama, lahat.
Pero tandaan mo ang salitang “Paalam Na”
ay hindi mawawakasan ng salitang “Malapit Na”
Dahil mawala man ang lahat, mananatili pa ring sariwa
sa isipan ko bawat alaala na ating inukit ng magkasama
At mahal, Ikaw palagi ang,
Ang unligravy ng flavor shot ko
Ang unlirice ng pecho ko
At ang icing sa ibabaw ng cupcake ko
Walang sanang magbabago.
Mahal, malapit na nating maranasan ang magkabilang mundo,
Magkakalayo pero hinding hindi mawawala ang Tayo
Dahil mahal, hanggang kamatayan ang ating k’wento.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

Comments Go Here ▼

Comments