Mamahalin Ka Palagi

by Gail Banaag |
Mamahalin kita palagi.
Sa mga oras na hindi mo makilala kung sino ka, ipipinta kita. Ipipinta ng mga salita ko ang bawat kulay at hugis mo. Sasalaminin ang ganda mong walang katulad. Pakikinangin ka hanggang sa mga mata mo’y mabulag sa mga kapintasang ikaw lang naman ang nakakakita. At ipaaalala sa’yo kung sino ka sa aking mata.
Mamahalin kita palagi.
Mamahalin ka sa t’wing mawawala ka. Sa mga panahong gugustuhin mong mapag-isa. Pipiliin ka kahit sa mga oras na iiwan mo. Ako ang lupang nakatanaw sa sa paglipad at paghayo mo. Parating maghihintay sa’yo. Mag-aabang sa pagbabalik mo. Ako ang palaging narito. Dito lang, dito lang sa’yo.
Mamahalin kita palagi.
Kahit pa malimutan mo. Kahit malimutan ng puso kung sino ako at di na lingunin ng isip ang mga alaala ko. Palagi kang mamahalin ng pusong nilisan mo. Palagi kang pipiliin ng taong nilimot mo. Dahil ikaw lang palagi. Ikaw lang parati. Ikaw lang ang kilalang mamahalin ko.
MAMAHALIN-PALAGI-600x330


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

Comments Go Here ▼

Comments