Mapagbirong Tadhana

by Sariah Jane O. Orine | shared on He Said, She Said |

Meron at meron talagang taong makikilala mo bigla
pinagtagpo kayo ng tadhana nang hindi sinasadya
Tipong magiging malapit kayo sa isa’t-isa
Tapos biglang paggising mo laging hanap mo na siya

Sa una’y laging gusto niyong magkita
Nagdadamayan kapag mayroong problema
Sinusulit ang araw at oras na na kayoy magkasama
kwentuhan, kulitan at tawanan diba ang saya?

Pero darating ang panahon isa sa inyo magsasawa
o kaya hindi na kayo magkaintindihan pa
Kaya maiisipan niyo na lang na bumitaw na
Kasi alam niyong dalawa na wala ng patutunguhan pa

Ganyan talaga magbiro ang tadhana
Akala niyo kayo na talaga
Akala niyo habang buhay mo na siyang makakasama
Yun pala napadaan lang siya para saktan ka

Huwag kang magtaka kung bakit ka ngayon mag-isa
Kasi si God may inilaan talaga sayo para ika’y maging masaya
Yung taong hindi ka hahayaang mawala pa sa kanya
Yung taong hidi ka sasaktan para wag ka ng umiyak pa.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

Comments Go Here ▼

Comments