Masama Bang Magmahal Ng Sobra?

by Mary Angelica Bonifacio |
 
Masama bang magmahal nang sobra?
Yung tipong ilang beses sa isang araw
Ay ipalalasap mo sa kanya
Ang mga salitang “Mahal kita”,
O baka maumay lang sya?Masama bang magmahal nang sobra?
Na gusto mong makita sya araw-araw,
Masilayan ang kanyang mga ngiti,
Mahawakan ang kamay nya,
O baka masakal lang sya?

Masama bang magmahal nang sobra?
Na palagi mo syang gustong makausap,
Makakwentuhan tungkol sa mundo,
At sa mundo ninyong dalawa,
O baka magsawa lang sya?

Masama bang magmahal nang sobra?
Yung tipong ibibigay mo lahat,
Dahil nag-uumapaw ang mga emosyon
Na nararamdaman mo para sa kanya,
O baka iwan ka lang din nya?

Masama bang magmahal nang sobra?
Dahil baka akalain nyang
Kailangan nyang suklian ang bawat patak
Ng pagmamahal na ibinibigay mo,
At hindi nya makaya…

Masama bang magmahal nang sobra?
Halos lahat ng mahalin mo ay natatakot sayo
Dahil sa lakas ng bugso ng iyong puso;
Oo nga, masama bang magmahal nang sobra?
Dahil kahit minsan, hindi ka nagmahal nang kulang.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

Comments Go Here ▼

Comments

SHARE
Previous articleMissing You
Next articleHindi Na