Masaya ka na, guguluhin ko pa ba?

by Zild Palacio |  shared on He Said, She Said

Ikaw, ako, yung dating tayo
Ay mali ako, wala nga pa lang tayo
Ikaw, ako, yung dating tayo
Yung dating tayo, akala ko
 
Oo na, mali ako
Kahit naman kelan, wala namang tayo
Ako lang yung naniwala
Ako lang yung nag ilusyon
 
Kaibigan lang, yan ako sa ‘yo
Yan ka rin naman sa ‘kin noon
Hindi ko naman alam na ganito
Mali ako, kasalanan ko
 
Kasalanan kong minahal kita
Kasalanang di ko pagsisisihan
Kasalanang nagawa ko
Dahil minahal ko ang taong dapat ay kaibigan lang
 
Di ko pin’lano, di ko rin ginusto
Nung una, natakot ako
Natakot na baka may magbago
Magbago sa kung anong meron tayo
 
Anong meron tayo?
Oo mali ako, walang tayo
Ilusyon lang na nabuo sa isip ko
Imahinasyong kailan may di magkakatotoo
 
Biglang dumating ang araw na kinakatakutan ko
Yun ay ang araw na malaman mo
Malaman mong higit pa sa kaibigan ang tingin ko sa ‘yo
Patawad, di ko sinasadyang mahulog sayo
 
Sunod na nangyari’y inaasahan ko na
Umiwas, nanahimik at sa aki’y lumayo ko
Parang wala lang sayo lahat ng meron tayo
Mali ako, wala nga kasing tayo
 
Ano bang mali sa nagawa ko?
Ni hindi ko nga alam na nahulog pala ako
Nahulog sa taong hindi ako gusto
Nahulog sa taong di mapapasakin kahit anong gawin ko
 
Tuluyan nang nawala yung dati
Yung noon na mistulan nalang panaginip sa ngayon
Panaginip na gusto kong puntahan at balikan
Panaginip na kahit kailan ay dina mauulit
 
Ikaw, ako, walang tayo
Pero isang araw nalaman ko, may bagong kayo
Kayo na syang nagpapasaya sa ‘yo
Saya na kahit kailan hindi ko naramdaman
Saya nang dahil sa kanya na diko kayang pantayan
 
Masaya ka, nakita ko sa mga mata mo
Masaya ka, narinig ko sa bawat tawa mo
Masaya ka, ‘ramdam ko sa bawat ngiti mo
Masaya ka, nakita ko sa mga kilos mo
 
Masaya ka, di mo na kailangang sabihin
Masaya ka, alam ko yon
Masaya ka, dahil sa kanya
Masaya ka, dahil hindi ako s’ya
 
Masaya ka, dahil mahal mo s’ya
Masaya ka, dahil mahal ka din nya
Masaya ka, dahil sya ang pinapangarap mo
Masaya ka, dahil ganon din s’ya sa ‘yo
 
Masaya ka, kasi kasama mo s’ya
Masaya ka, kasi nakatadhana kayo sa isat-isa
Masaya ka, kasi bagay na bagay kayo
Masaya ka, kasi sya na ang habambuhay mo
 
Masaya ka, alam ko na
Masaya ka, narinig ko, naramdaman ko at nakita ko pa
Masaya ka, dahil hindi sya magiging ako
Masaya ka na, guguluhin ko pa ba?


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

Comments Go Here ▼

Comments