May Ikaw at Ako,ngunit walang Tayo

by Jhellaine Allejo | shared on He Said, She Said |

Sa tagal na ng ating pinagsamahan,
Hindi ko parin maliwanagan
San nga ba ako lulugar o
kung may lugar nga ba ako sa buhay mo.
Isang tanong na gusto kong isambit sayo,
Ngunit natatakot ako sa isasagot mo.
Ay oo nga pala may Ikaw at Ako
pero kahit kailan hindi magiging tayo.
Mahal kita, Mahal mo s’ya
Ano nga ba ang laban ko di ba?
Isang laro nga lang pala ang lahat
Isang laro na ako ang natalo
Isang laro na ngayon ako na mismo ang susuko.
Hangga’t kaya ko pa.
Hindi na ko mag-papaalam
Hindi na din ako lilingon sa ating nagdaan.


Feel free to send in your poems (English or Tagalog) via message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right approve or reject submissions for posting.

Comments Go Here ▼

Comments