May pag-asa pa ba?

by Erica Rose Chan | shared on He Said, She Said |

Ang mga pangarap nating bumuo
ng isang magandang pamilya
Ang mga napag-uusapan nating
nuwebles sa ating magiging tahanan
Ang mga natatanging pangalan ng
ating mga supling
May pag-asa pa ba?

Yung nakatayo ka sa dulo ng altar
habang naluluha ang mga mata
Habang ako, hawak hawak ang
nagsigagandahang bulaklak
Ang dahan-dahan na paglakad ko
patungo sa iyo
May pag-asa pa ba?

Ang makasama kitang muli at
makatabi man lamang
Ang mahawakan ko ang iyong mga kamay
Ang marinig ko ang mga makukulay
mong salitang nakakakilig
May pag-asa pa ba?

Ang maharap ka sa huling pagkakataon
Ang mayakap ka sa malamig na panahon
Ang masilayan kita kahit sa malayo
Ang marinig sa kahuli-hulian na mahal
na mahal mo pa rin ako

Lahat ng ito, may pag-asa pa ba?


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.v

Comments Go Here ▼

Comments