Meet and Greet The Parents

Meet the parents

from message sender “Besh” |

(We at He Said She Said change the actual names and places and edit some parts of the message, to protect the identity of our message senders.)

Hi, Tito Homer & Tita Jinky :)

Good day po!

Bago lang po akong follower ng page n’yo, nong nabasa ko yong mga post n’yo, ang gaganda, nakaka-inspire at minsan ay nakaka-relate ako. Hehe. :)

Gusto ko po sanang humingi ng advice galing sa inyo.

Mayroon po akong BF, 2 months pa lang po kami pero matagal na po kaming magkakilala. Gusto ko na po syang ipakilala sa Mother ko, kasi gusto ko po na maging legal ang relationship namin. Hindi na naman po kami bata para itago ang relasyon namin sa family namin. Ang problema po, kapag nag-se-set ako ng date para don, umaayaw po agad sya. Ang sagot nya sakin ay “AYAW KO” :(

Hindi ko po alam kung anong reason n’ya. Nasasaktan po ako kasi mahal ko po ng sobra ang Mama ko, mahal ko din ang bf ko.

Tito / Tita, masyado lang po ba akong maaga para sa meet and greet with the parents? Ayaw ko naman po syang pilitin kung talagang ayaw n’ya. Pero kung hindi magbabago ang isip n’ya, kahit mahal ko s’ya ay makikipag-hiwalay po ako sa kanya.

Nawa po ay matulungan ninyo ako sa inyong simple and meaningful advices.

Maraming salamat po.

God bless!

From,
BESH

He Said, She Said:

Hi Besh,

From the point of view of parents, dapat nga nanliligaw pa lang siya, humarap na siya sa mga magulang mo.
Hindi kasi magandang sign yung ayaw humarap. Most likely, di sure ang feelings niya sa yo. Sorry ha, but we have to be direct. So kelan siya haharap? Kapag sure na siya? Nanligaw nga eh. So dapat sure siya.
Otherwise, duwag siya o nahihiya. Nahihiya dahil di nga sya sure o seryoso.
Think about it, Besh. Confront him about his reasons. They have to be valid. Otherwise, best to find someone else who is man enough. Tell, “Man-up, dude!”
Pray for wisdom about this guy, ok?
God bless,
Tito Homer & Tita Jinky

Video: "Ipagpatawad Mo" by Nyoy Volante

Comments Go Here ▼

Comments