Minahal ko na dapat ay kaibigan lang

by Czarina Leigh Fernandez | shared on He Said, She Said

Kamusta na kaibigan ko?
Kaibigang minahal ko ng totoo
Kaibigang naging mahal ko

Di ko to sinulat upang ikay paringgan
Sinulat ko to dahil ako’y lubhang nasasaktan na
Kaya mahal, sana’y basahin mo ito

Mahal, mahal kong kaibigan,
Minahal kong dapat kaibigan lang
Ikaw ang lahat ng dahilan
Dahilan ng kasiyahan
Dahilan ng kalungkutan
Ngunit kahit ganon
Ikaw parin ang pinakapaborito ko,
Paboritong tao kahit na sinaktan ako,
Kase mahal, ikaw ang lahat para sakin
Kahit wala lang ako sa ‘yo,
Kahit wala akong lugar sa puso mo,
Kahit kaibigan lang ako.

P’wede ba?
P’wede bang ako na lang?
P’wede bang mahalin mo din ako? Tulad ng pagmamahal ko sa ‘yo
P’wede bang pagbigyan mo ang puso kong nagsusumamo mapasayo lang?
P’wede bang kausapin mo ako ulit katulad ng dati,
Katulad ng dati,
Dati na parang tayo lang dalawa,
Pero oo nga pala,
Kaibigan nga lang pala

Ikaw ang pinakapaborito kong pagkakamali,
Ikaw ang pinakapaborito ko,
Kase dahil sayo, natutunan kong umibig,
Kase dahil sayo, naging maligaya ako.

Nung mga panahong tayo’y nagkakausap,
Doon ko lang naramdaman ang tunay na kasiyahan,
Doon ko lang naramdaman ang tunay na kilig,
Doon lang,
Pero, hanggang kaibigan lang, hanggang doon lang,
Hindi p’wede,
Hindi kasi merong siya,
Siya, siya yung totoo,
Siya yung nauna,
Siya na mahal mo,
Siya na pinagseselosan ko,
Siya na para sa ‘yo.

Di ko na dapat ito sinasabi,
Di dapat dahil alam kong masaya na kayo,
Pero kailangan ko itong sabihin,
Hindi para kayo ay guluhin,
Kundi para gumaan ang nasa loob ko
na matagal ng tinatago dito sa puso ko,
Na matagal ko ng dinadala,
At lalo pang bumibigat t’wing nakikita ko kayong magkasama,
Pero walang magawa,
Kundi ang umiwas na lang,
Dahil kaibigan lang naman ako.

Tatapusin ko na ito,
Sobra ng sakit.

Salamat sa kaibigan kong minahal ko,
Sa mahal kong dapat ay kaibigan lang,
Salamat.
Dahil sa ‘yo, natuto ako,
Dahil sa ‘yo, naging masaya ako,
Dahil sayo nagmahal ako,
Nagmahal, ng maling tao.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

Comments Go Here ▼

Comments