Minsan

by Marjun Malatag | via He Said She Said |

Minsan ba naiisip mo rin ba ako,
Gaya ng pag-iisip ko sa ‘yo?
Minsan ba minahal mo rin ba ako,
gaya ng pagmamahal ko sa ‘yo?
Ni minsan ba namimiss mo, rin ba ako,
Gaya ng pagkamiss ko sa ‘yo?
Ni minsan ba sumagi sa isipan mo na pagbigyan ako?,
Kaya lng hindi eh.

Kaya eto ako ngayon,
Nagmumukhang tanga,
umaasa sa wala,
umaasa na sana mahalin mo ‘ko,
Umaasa na sana ako na lang,
Umaasa na sana tayo na lang,
kaya lang lahat ng yan hanggang sana na lang.

Eto ako ngayon nababaliw kaka isip sa ‘yo,
Habang masaya ka sa kanya,
Nababaliw na hindi ko alam ang gagawin,
Siguro ito na ang panahon para ika’y aking tigilan,
siguro ito na ang panahon para ika’y aking limutin,
Bakit na kasi ang hirap mong limutin?
Kahit hindi ka naman naging akin,
At kailanman hinding hindi magiging akin.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

Comments Go Here ▼

Comments