pexels-photo-25252

Miss Imposible

by Gil Tana Jr. | | shared on He Said, She Said |

Sabi nila’y hindi puwede, “ Wag ng subukan, Malabo pare!”
Ang aking gusto’y lubhang mahirap,
Langit daw ang aking pangarap.
Di kayang abutin, kahit na anong gawin.
Masasaktan lang, hindi naman sasagutin.

Kung ang maging akin ka ay imposible, di pa din susuko, at baka sakali na masabe… at mangyare… ang tila imposible.
Maglalakas loob, hindi na bale, na ako ay mapahiya basta masabe na kung puede?… ay mangyare… ang tila imposible.

Pag may time, ikaw ay lalapitan.
At sasabihan na ika’y hinahangaan.
Lalaban na ako ng pakapalan,
Masabi ko lang ang tunay kong nararamdaman.
Totoong ikaw lagi ang laman ng isip.
Dala-dala hanggang sa panaginip.
Abangers lang ako, hindi ako naiinip.
Hindi ako stalker, wag kang matakot, wag kang ma-badtrip.
Wag mong sasampalin, ika’y mamahalin.
Ako’y maghihintay, hindi ka mamadaliin

Kung ang mapaibig ka ay imposible, di pa din susuko, at baka sakali na masabe… at mangyare… ang tila imposible.
Go lang ng go, aba matinde! talagang grabe… never give up! basta masabe na kung puede?… ay mangyare… ang tila imposible.

Parents mo daw ay napaka istrikto.
Malapit na akong bugbugin ng kuya mong barumbado.
Pasensya na ganito talaga siguro pag inlababo.
Kahit sinong humarang. Ganadong- ganado.

Kahit deadmadela na ako sa ate mong isnabera, at todo lait pa sa BFF mong echusera.
Eto pa din ako si Martyr Niebera.
Manliligaw, manghaharana.

Gagawan ko ng paraan.
Puso mo sa akin ay buksan.
Kahit na pahirapan.
Push ko to!
Walang atrasan.

Kung ang makatuluyan ka ay imposible? di pa din susuko, at baka sakali na masabe… at mangyare… ang tila imposible.
Patibayan…at konteng tiwala sa sarile.
Kunin naten yan.. mala Presidente Duterte… tamang diskarte… para mangyare… ang tila imposible.

Please naman wag mong iwasan.
Hangarin ko ay wag mong pagdudahan.
Ok lang kung iyong pahirapan. At pag-ibig ko, ay iyong subukan.
Basta lagi mong tatandaan, na ikaw lang ang laman.. ng puso kong ito.. kahit pa sagot mo ay matagalan.

At kung… ang lahat man ng ito ay sadyang imposible? Bukal sa aking kaloobang tanggapin kung hindi talaga puede…na mangyare… ang mga bagay na imposible.
Dadaanin nalang sa panalangin at iiyak ng madame… mga bente..
Na sa tamang panahon at paglalaro ng tadhana ay baka mangyare… na maging possible!… ang tila IMPOSIBLE.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

Share This!

Comments Go Here ▼

Comments

by Gil Tana Jr. | | shared on He Said, She Said | Sabi nila’y hindi puwede, “ Wag ng subukan, Malabo pare!” Ang aking gusto’y lubhang mahirap, Langit daw ang aking pangarap. Di kayang abutin, kahit na anong gawin. Masasaktan lang, hindi naman sasagutin. Kung ang maging akin ka ay imposible, di pa din susuko, at …

Review Overview

User Rating: Be the first one !
0