Muli Tayong Pinagtapo

by Winona Joy Canono | shared on He Said, She Said

Muli tayong nagtagpo, nagtagpo ng biglaan,
nagtagpo ng di inaasahan
nagtagpo ng di napaghandaan
At sa pagtatagpong iyon muli kong nadama
ang pag-ibig na akala ko ay wala na
Muling bumalik sa aking alaala,
ang mga sandaling yakap ka
Muling bumalik sa aking alaala,
ang mga pangakong binitawan sa isa’t-isa
Muling bumalik sa aking alaala,
ang init ng iyong pagmamahal
na katulad nang panahon ay tila lumamig na
Muling bumalik sa aking alaala,
ang mga panahong ang IKAW at AKO ay iisa
ngunit ngayon ako na lamang mag-isa
Muling bumalik sa aking alaala,
ang sayang nadarama sa tuwing kasama ka
Muling bumalik sa aking alaala,
kung paano mo hawakan
ang aking mga kamay na tila ba sinasabing
“pakiusap mahal wag kang bibitaw”
ngunit ngayon ay ayaw mo nang hawakan pa
Ang sarap sanang balikan ang mga masasayang alaala
na kasama ka ngunit paano ko gagawin yun kung ika’y pag-aari na nang iba


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

Comments Go Here ▼

Comments