Muling Nangungulila

by Aleam Merabite on He Said, She Said |

Muling nangungulila ang pusong nasasabik
Nasasabik sa muling suntok sa buwan ikay makapiling
Sakit at kirot sa bawat musika naririnig
Mga alaalaa tumatakbo sa alaala ng aking isip

Kamusta ka na kaya?
Kamusta ka na aking pinakamamahal
Kamusta ka nang nagdadala ng sakit saking nararamdaman
Paulit ulit man sakit ay nararamdaman
Patuloy pa rin ikaw kinasasabikan

Nararamdaman hindi na maipaliwanag
Bawat sugat aking tinatago sa kailaliman
Ng aking pagkatao upang walang makaalam
Kaligayahan kailan makakamtan?

Kaligayahan ikaw ay nasa piling iba
Kaligayahan ang isa’t isa ay ndi na parte ng ating mga istorya
Kaligayahan ako na lang ang dapat ang masaya
Kaligayahan wala ng ikaw bilang parte ng aking buhay.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

Comments Go Here ▼

Comments