Multo

by Janine | shared on He Said, She Said |

Pag pag-ibig ang pinag uusapan
Tanging pangalan mo lamang ang sumasagi sa aking isipan
Sa una’y alaala ng mga ngiti at tawanan
Mga oras at sandaling parang walang hanggan
Sandali,
Biglang umihip ang hangin ng katotohanan
Sa isip ko na lang pala ikaw naninirahan

Saan ko nga ba ilalagay ang mga ito?
Lagi kasi silang naglalaro,
At nagpupumilit kumawala sa dibdib ko
Alaala ng kahapon , multo sa ‘kin ngayon
Paano mahihimbing
Kung sa puso ko’y nariyan ka pa rin
Paano?

Dumaan ang mga oras at araw
Hanggang sa hindi ko na din mabilang at namalayan
Kung kelan kita huling nasilayan
Tila parang wala na din akong maramdaman
Oo, paminsan minsan dinadalaw ng multo
Pumipikit na lang ako
Nawawala naman kasi pag dinedma ko

Maaaring ayos na ang lahat
Natapos na ang dapat matapos
At alam ko magsisimula na ang naka tandhana
Pero bago ako nakarating dito,
Sa dami ng naiyak at naimura ko
Hindi ko kasi alam
Dahil ikaw ang unang multo.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

Comments Go Here ▼

Comments