Nadurog Ang Puso Ko

by Coleen Sapida | shared on He Said, She Said

Nagsimula ang ating istorya
sa ngiti mong pumukaw sa aking mga mata
Mga sandali na hiniling kong maabot kita
Mga segundong pinangarap na ako
ang maging rason ng natatago mong saya

Hindi ka perpekto, pero ng dahil sa ‘yo,
ako’y natutong magbago
Araw-araw ay hihintayin ka,
matitigan lang ang tulad mo
Bawat oras na tumatakbo,
na sana mapansin mo ang isang tulad ko

Nakita kitang naglalaro kasama ang iyong mga kaibigan
Varsity ka, kaya mas lalo kitang hinahangaan
Sa bawat hampas mo ng bola
ako sayo’y mas tinatamaan
At sa hindi inaasahan,
tila puso ko sayo’y unti-unti ng napamahal

Sa bawat pintig ng puso,
Sa bawat pag-ikot ng mundo,
Sa bawat paglubog ng buwan,
Bakit lalo akong nahuhulog sa ‘yo?

Hinihiling na sana ako naman ang bola
Na pag nahulog ako, nariyan ka para sumalo
Sana ako naman ang iyong lakas,
Na pag sumuko ka,
nariyan ako para tulungan kang tumayo

Pero lahat ng ito’y unti-unting naglaho
Nadurog ang puso ko noong nalaman kong
malabong ako’y mahalin mo
Bawat papel na napipilas,
Sa mukha ko’y luha ang humahampas

Umikot ang mundo,
Lumubog ang barko
Gumising sa bangungot
at isinara ang libro

Ngayo’y isa ka nalang alaala,
Simbolo ng aking pag-iisa
Minsa’y naging dahilan ka ng ngiti sa aking labi
Pero bakit ngayo’y nadarama
ang sakit at walang tapos ang paghikbi?


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

Comments Go Here ▼

Comments