Nag Assume Ba Ako?

by Jane Magluyan | shared on He Said, She Said |

Nagsimula ang kwento natin sa simpleng tinginan
Hindi alintana ang kahihinatnan
Sa palitan nang matatamis na ngiti
Nakaramdam nang kakaibang kiliti

Hanggang isang araw nalaman ko na lang
May tao na pa lang nagmamay ari sa’yo
Hindi lng sa puso mo, pero sa kabuuan nang sistema mo
Simula noon, pinilit kung kalimutan ka at magsimulang mag isa

Sadya talagang magpaglaro ang tadhana
Sa hindi inaasahang pagkakataon, nasilayan muli kita
Naging simula iyon nang di inaasahang kabanata
Katumbas nito ay galak sa puso’t diwa

Araw araw nag papalitan nang matatamis na salita
May mga araw na nag aaway sa simpleng bagay
Hindi nag uusap,hindi nagkikibuan, na parang balewala lang
Ngunit hindi matatapos ang araw at mag babati rin naman

Sa mga araw na iyon, nasa kabilang parte ka nang mundo
Kaya hanga ako sa oras na nilalaan mo
Mahirap gumising nang madaling araw para lang magka usap tayo
Lalong lalo na sa klase nang trabaho mo

Ngunit hindi ko pa rin alam kung ano tayo?
Ano ako sa buhay mo? Hindi kasi klaro
Kaibigan lang ba sa tingin mo? Magkaibigan lang ba talaga tayo?
O, sadyang sumbungan mo lang talaga ako nang problema mo?

Simula kasi nang umuwi ka, nag iba na
Ang araw araw na palitan nang matatamis na salita
Naging madalang na, hanggang sa wala na talaga
Kahit simpleng “Hi,Kamusta?” wala na

Ang sakit lang isipin, na akala ko parehas tayo
Na akala ko parehas ang tibok nang puso mo at puso ko
Yun pala may bago nang nagmamay ari nito
Ang pinaka masakit sa lahat hindi yun AKO.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

Comments Go Here ▼

Comments

SHARE
Previous articleMiss Imposible
Next articleRise up