Nagtapos tayo sa takdang pananong

by Mads | shared on He Said, She Said |

Para sa taong minahal ko ng totoo. Hanggang dito nalang ba tayo?
Dito sa dulo ng ikaw at ako ngunit nasaan nga ba ang tayo?
Limang taon mula noon.
Limang taon nung sinabi mong mahal mo ako.
Hindi ko na mabilang yung mga panahong saya ang naramdaman ko
katulad nalang nang kung paanong hindi ko matandaang
kung ilang beses mo dinurog ang puso ko.
Sa mga salitang pumalibot sa “mahal kita” nasa’n ka na nga ba?
Limang taon kitang minahal sa di ko malamang dahilan.
Hindi tayo nagtagal ngunit kahit kailan hindi ako bumitaw.
Ngunit bumabalik ang lahat sa tuwing kasama kita.
Hindi man ulit naging tayo ngunit pinaramdam mong
merong “ikaw at ako” sa gitna nang “walang tayo.”
Saan nga ba ako lulugar sa tuwing magkausap tayo,
isang kaibigan o isang nagmamahal?
Nagpasakop na nga talaga ako sa nararamdaman ko.
Kailan ka nga ba aalis dito? Kasi pagod na pagod na ako.
Ano nga ba ang totoo sa tuwing kausap mo ko?
Bumitaw na ako ngunit bumalik ka at napakapit ako.
Napakapit ako sa lubid na matagal nang ilusyon ko.
Isang mahabang memorabilia na naguugnay
sa kung paano kita minahal sa paraang alam ko.
Ngunit hanggang dito na lang siguro ang k’wento ng ikaw at ako.
Dahil hindi na ako ang simuno sa pangungusap mo
at hindi na ako isang tutuldok sa k’wento ng buhay mo
dahil hanggang dito nalang tayo.
Hanggang dito na nga lang ba tayo?


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

Comments Go Here ▼

Comments