Naiwang Umaasa

by TDNMJ | shared on He Said, She Said |

Iniwan mo ako sa panahong
lubos akong nangangailangan
Iniwan mo akong puno ng pag-aalinlangan
Iniwan mo akong naguguluhan
Sa kadahilanang ang alam ko
tayo ay lubos na nagmamahalan.

Bakit mo nga ba ako iniwan?
Mga dahilan mo’y di ko pa rin lubos na maunawaan
Mga panahong ating pinagsamahan
Tila nawalan nang kahulugan at kasaysayan.

Ngunit sa kabila ng sakit at pait na pinagdaraanan
Pagmamahal pa rin sa’yo ang aking nararamdaman
Umaasang baka sa kinabukasan
Mabigyan muli ng pagkakataong
ang ating pag-iibigang iyong winakasan.

Hindi ko alam kung hanggang kailan ako maghihintay
Hindi ko alam kung ito ba ay may saysay
Ang tanging alam ko lang,
ikaw ang aking pangarap at kinabukasan
Nananalangin akong darating ang panahon,
magkakaroon muli ng pagkakataon
ang ating pagmamahalan.


Feel free to send in your poems (English or Tagalog) via message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right approve or reject submissions for posting.

Comments Go Here ▼

Comments