Naka Move-on Ka Na Ba?

ni Dominic Ignacio

Naka move on ka na ba?
Ako hindi pa.

Bakit pa kasi kailangan natin kalimutan
Ang mga tao sa ating nakaraan
Na minsan nakasama natin sa paglakbay sa daan

Pwede naman kasi sigurong itira, ang bawat alaala nating dalawa
Ung tipong ngingiti ka nalang kapag naiisip mo na

Pero paano ba mag move on
Paano mag move on kung ang pagmamahal mo sakanya ay going strong

Paano ka aabante kung hinihila ka ng bawat magandang alaala niyong dalawa
Paano ka didiretso kung sa unang pagtingin mo ay lumiko sa unang lugar na nagkita kayo

Paano ka titigil, kung siya mismo ang nagsabi sayo na kaya mo ang kahit anong bagay sa mundo
Yung akala mo masaya ka na, pero kapag naalala mo siya mas sumasaya ka pa

Pero paano ka din ba babalik?
Sa panahong masaya ang bawat pagkikita niyo
Sa oras na wala kayong ibang iniisip kundi ang paglalakbay niyo
Sa panahong wala pang ibang taong pumapasok sa mundo niyo

Pero paano ba umusad at paano bumalik
Kung nakatigil ka sa gitna ng kawalan
Sa gitna ng isang mahabang daan
Na parehas walang hanggan kahit saan mo tignan

Kung saan man ako dalhin ng pagmamahal ko
Pipiliin ko padin ang pangalan mo
At pipilitin ko padin abutin ang pangarap ko
Kasama ang nagiisang babae sa puso ko.

Comments Go Here ▼

Comments