nakakatakot

Nakakatakot

by Precious Galabo | shared on He Said, She Said |

Anong kinakatakutan mo? Palaka, dilim, aswang, payaso, o multo? Ako? Bukod sa mga mga ito, natatakot ako.

Nakakatakot ang magmahal. Natatakot akong magmahal ng taong kahit kailan hindi masuklian ang pagmamahal na ibinibigay ko. Nakakatakot umibig. Yung ang hirap ipaliwanag, sa kabilang banda’y nagbibigay sa buhay mo ng liwanag. Yung pana ni Kupido, bigla bigla ka nalang maaasintahan. Yung para bang ligaw na bala na ikaw ang tinamaan kahit hindi naman sayo nakalaan.

Nakakatakot masaktan. Yung taong minahal mo nga, nasuklian naman ba? Yung binigay mo naman lahat, pero ikaw pa rin yung nahihirapan. Yung ipinaglalaban mo kahit katunggali mo ang buong mundo. Yung hinihintay mo, nananatili kang nandyan kahit walang kasiguraduhan.

Nakakatakot sumubok na muli pang umibig. Puso’y iniiwasan ng muling matabig. Baka ito’y mahulog muli sa kumukulong tubig. Nakakatakot na muling banggitin mga salitang “Mahal kita.” Nakakatakot na muling matamaan ng pana ni Kupido na sana’y sayo na nga nakalaan.

Nakakatakot tumakbo sa paikot ikot at nakakapagod na mundo. Nakakatakot sumugal sa walang hanggang pagmamahal. Nakakatakot masaktan sa paulit ulit o iba’t ibang paraan. Nakakatakot lumuha dahil sa mga hirap na nararanasan. Nakakatakot… maging ang kaligayahan na may kalakip na kalungkutan. Nakakatakot maging masaya kapag may nasasaktang iba.

Nakakatakot. Ikaw, natatakot ka rin ba?

Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

Share This!

Comments Go Here ▼

Comments

by Precious Galabo | shared on He Said, She Said | Anong kinakatakutan mo? Palaka, dilim, aswang, payaso, o multo? Ako? Bukod sa mga mga ito, natatakot ako. Nakakatakot ang magmahal. Natatakot akong magmahal ng taong kahit kailan hindi masuklian ang pagmamahal na ibinibigay ko. Nakakatakot umibig. Yung ang hirap ipaliwanag, sa kabilang banda’y nagbibigay sa …

Review Overview

User Rating: 4.65 ( 1 votes)
0