Nanlamig na Init

by Viel | shared on He Said, She Said |

Maghapong tambayan ay kwarto
Dumapa, tumihaya, tumagilid at
umupo ang tanging posisyong ginagawa,
sa higaang tila saksi sa ilang pagkakataong
hinamak ng malubhang sakin na ang tawag ay pag-ibig.

Patay sindi ang telepono , nagbabakasakaling
dumating ang kinasasabikang mensahe mo,
ni hindi maalalang tumikim ng panlamang
sikmura at tila masasayang ala-ala ang siyang
ninanamnam ng diwa

Nasaan na ba ang dating ‘init’, init ng pag-ibig
na sa umpisa’y tila hindi mawawaglit.
Nasaan na ba ang init, init ng mga
pangakong tila ngayo’y isang yelong unti unting
natutunaw

Nasaan na ba ang nagiisang babaeng pinangakuan
na kasabay hahakbang patungong altar,
ang babaeng pinangakuang hindi susukuan,
ngunit ramdaman ko ang pagsukong di inakalang
sakanya madarama.

‘Paalam’. Iyan na ba ang marapat na huling
sambitin sa babaeng tila isang gasolina sa bawat
sasakyang dumaraan.
Ang sakit, ang higpit ng bawat kapit ay tila parang isang
taling pinarupok ng panahon at unti unting kumakalas.

Ngunit kung sakaling ako’y maalala,
o muling hanapin ang dating init, at ito’y hindi matagpuan,
PATAWAD ang tanging bibigkasin ng nakangiti kong labi.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

Comments Go Here ▼

Comments