Natatakot ako

by Ella C. delos Reyes | shared on He Said, She Said |

Sana’y panaginip nalang…
Mangyari ma’y walang katotohanan
Ito’ng kakaibang nararamdaman
Na di wari ang patutunguhan.
Di ko alam kung paano masaktan
Kaya’t sana ay mapigilan
Ang paglalim ng nararamdaman.
Sana’y limitasyon, ay di malagpasan
At manatili sa salitang paghanga lamang.
Sana ay may paraan
Nang hindi na masugatan.
Natatakot ako,
Hindi ko maialis sa ‘king isipan
Ang maaaring kahahantungan
Nitong pesteng nararamdaman!


Feel free to send in your poems (English or Tagalog) via message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one. He Said, She Said Philippines reserves the right approve or reject submissions for posting.

Comments Go Here ▼

Comments