Nawasak ng Panahon

by Riz Villegas | shared on He Said, She Said |

“Ako’y iyong-iyo”
Mga katagang sinabi mo
Pero bakit?
Ba’t ganito ang ating sinapit?
Ako’y nakalambitin sa kahapon
Hinahanap pa rin ang sagot kung bakit nagkagano’n

Magkahawak kamay naman tayo noong araw
Ba’t nga ba tayo bumitaw?
At sabayng piniling tumalikod?
Na kahit ang paglingon at pagsulyap ay hindi pwede
Dahil baka masasaktan lang sa bandang huli

Kanya-kanyang lakad lang ng diretso
Papalayo hanggang di na matanaw ang kanya-kanyang anino
Kasabay ang pagguho ng lahat ng ating ‘Balang araw’
Ay ang simulang di ka na maabot tanaw
Kahit isulat ko ‘tong tula upang bawiin ang anong sa atin
Ay hindi magiging sapat upang ika’y bumalik sa akin
Dahil ang tanong, magkakaroon pa ba ng saysay
kung muli nating itatayo ang minsan ng nawasak ng panahon?


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

Comments Go Here ▼

Comments